2KK Tulong sa Kapwa Kapatid Foundation
  • HOME
  • About Us
    • Meet the Team
    • Who are our Beneficiaries
    • Annual Reports
  • Programs
    • Kapatid Program
    • YAPAK Program
  • GET INVOLVED
    • 2KK Sustainability Fund
    • Sponsor a Student
    • Be a Volunteer
    • Partner with Us
  • Press Room
    • Blogs
    • Gallery
    • Newsletter
    • Testimonials
    • Year End Greetings
  • Annual Report
  • Contact Us

Masayang Kasama Sila (Mga Kapatid)

9/27/2018

1 Comment

 
By: Angelo bilang YAPAK Leader (Scholar) 
Picture
Nag-start po akong pumunta sa 2KK noong ako’y grade 2 student palang. Sa pagtungtong ko ng Grade 5, naging isa ako sa mga scholars ng 2KK. Bagaman maraming nangyari bago ako makapasok dahil sa pagkakaroon ko dati ng sponsor, natuwa pa rin po ako dahil sa huli ay tinanggap pa rin nila ako.

Sa pagsisimula ko ng pagiging scholar ng 2KK, marami po akong naging masasayang araw. Dagdag pa ditto ang mga bagong kaibigan at mga Ate at Kuya na nagiging kasabay at kaagapay namin sa paglaki.

Picture
Sa 2KK ay nag-enjoy ko ng sobra ang buhay ko. Mas nakukuha ko nang ngumiti ng mas madalas kahit minsan ay naaalala ko ang aking ina na hindi ko kapiling ngayon.

Ako nga pala si Mark Angelo o “Kuya Angelo”.

Ang pagiging scholar ko ay nagbukas sa akin ng mga karanasan na hindi ko akalain na mararanasan ko katulad ng pagpunta sa Enchanted Kingdom at iba pa.

Picture
Pangarap ko pong maging seaman para sa aking kinabukasan at para sa aking pamilya. Nais kong makarating sa Korea at malibot ito kasama ang mga taong espesyal sa buhay ko. Gusto kong matupad ito at alam kong possible ang lahat dahil sa mga tao handang sumuporta at gumabay sa akin.

Ang aking mga co-scholars, mga Ate at mga Kuya ang lagi rin nagpapaalala sa amin ng mga pagpapahalaga na dapat naming isabuhay sa araw-araw; mahalin ang kapwa, magdasal palagi, sundin ang magulang, mag-aral ng mabuti at mahalin ang bayan.

Dito sa pamilya sa 2KK ko natutunan na ang isang bagay ay lalago kapag inalagaan at minahal mo ito. Sabi nga po sa linya ni Mother Teresa, do small things with great love. Pagmamahal, pangarap,sipag at tyaga ang kailangan para makamit ang iyong mithi.

Picture
1 Comment
Ingrid Marshall link
11/25/2023 11:10:45 pm

Thank you for wwriting this

Reply



Leave a Reply.

    Archives

    October 2019
    October 2018
    September 2018
    August 2018
    July 2018
    March 2018
    February 2018
    January 2018
    October 2017
    January 2017
    July 2016
    May 2016

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • About Us
    • Meet the Team
    • Who are our Beneficiaries
    • Annual Reports
  • Programs
    • Kapatid Program
    • YAPAK Program
  • GET INVOLVED
    • 2KK Sustainability Fund
    • Sponsor a Student
    • Be a Volunteer
    • Partner with Us
  • Press Room
    • Blogs
    • Gallery
    • Newsletter
    • Testimonials
    • Year End Greetings
  • Annual Report
  • Contact Us