2KK Tulong sa Kapwa Kapatid Foundation
  • HOME
  • About Us
    • Meet the Team
    • Who are our Beneficiaries
    • Annual Reports
  • Programs
    • Kapatid Program
    • YAPAK Program
  • GET INVOLVED
    • 2KK Sustainability Fund
    • Sponsor a Student
    • Be a Volunteer
    • Partner with Us
  • Press Room
    • Blogs
    • Gallery
    • Newsletter
    • Testimonials
    • Year End Greetings
  • Annual Report
  • Contact Us

Masayang Kasama Sila (Mga Kapatid)

9/27/2018

1 Comment

 
By: Angelo bilang YAPAK Leader (Scholar) 
Picture
Nag-start po akong pumunta sa 2KK noong ako’y grade 2 student palang. Sa pagtungtong ko ng Grade 5, naging isa ako sa mga scholars ng 2KK. Bagaman maraming nangyari bago ako makapasok dahil sa pagkakaroon ko dati ng sponsor, natuwa pa rin po ako dahil sa huli ay tinanggap pa rin nila ako.

Sa pagsisimula ko ng pagiging scholar ng 2KK, marami po akong naging masasayang araw. Dagdag pa ditto ang mga bagong kaibigan at mga Ate at Kuya na nagiging kasabay at kaagapay namin sa paglaki.

Picture
Sa 2KK ay nag-enjoy ko ng sobra ang buhay ko. Mas nakukuha ko nang ngumiti ng mas madalas kahit minsan ay naaalala ko ang aking ina na hindi ko kapiling ngayon.

Ako nga pala si Mark Angelo o “Kuya Angelo”.

Ang pagiging scholar ko ay nagbukas sa akin ng mga karanasan na hindi ko akalain na mararanasan ko katulad ng pagpunta sa Enchanted Kingdom at iba pa.

Picture
Pangarap ko pong maging seaman para sa aking kinabukasan at para sa aking pamilya. Nais kong makarating sa Korea at malibot ito kasama ang mga taong espesyal sa buhay ko. Gusto kong matupad ito at alam kong possible ang lahat dahil sa mga tao handang sumuporta at gumabay sa akin.

Ang aking mga co-scholars, mga Ate at mga Kuya ang lagi rin nagpapaalala sa amin ng mga pagpapahalaga na dapat naming isabuhay sa araw-araw; mahalin ang kapwa, magdasal palagi, sundin ang magulang, mag-aral ng mabuti at mahalin ang bayan.

Dito sa pamilya sa 2KK ko natutunan na ang isang bagay ay lalago kapag inalagaan at minahal mo ito. Sabi nga po sa linya ni Mother Teresa, do small things with great love. Pagmamahal, pangarap,sipag at tyaga ang kailangan para makamit ang iyong mithi.

Picture
1 Comment

Tunay na Halaga ng Edukasyon

9/20/2018

1 Comment

 
By: Clarisse Bonghanoy Natabio
Picture
“Ang 2KK Tulong sa Kapwa Kapatid Foundation ang nagmulat sa akin sa realidad na hindi biro ang mga ng sakripisyo ng mga magulang ko at ng mga taong gustong tumulong sa akin.”

Ako si Clarisse, labing-siyam na taong gulang at nasa unang antas sa kursong Bachelor of Science in Tourism sa Institute of Creative Computer Technology (ICCT). Mahigit dalawang taon na akong iskoloar ng 2KK Tulong sa Kapwa Kapatid Foundation. Sa dalawang taong iyon, masasabi kong marami akong natutunan na mga bagay na akala ko dati ay hindi importante.

Dahil sa pagiging iskolar ko, mas lalo kong minahal ang pag-aaral at mas lalo kong binigyan ng importansya ang lahat. Ang 2KK Tulong sa Kapwa Kapatid Foundation ang nagmulat sa akin sa realidad na hindi biro ang mga sakrispisyo ng mga magulang ko at ng mga taong gustong tumulong sa akin. Napupursigi akong mag-aral para ipakita sa kanilang lahat na hindi sayang ang mga tulong na binibigay nila. Ito ang paraan ko para maipakita sa kanilang lahat ang pasasalamat ko.

Mataas at matayong ang gusto kong marating sa buhay. Mataas ang mga pangarap na gusto kong matupad at alam kong malapit ko ng marating iyon.
Picture

Kaya sobra ang pasasalamat ko na naging iskolar ako ng 2KK Tulong sa Kapwa Kapatid Foundation, dahil ‘di lamang sila nagbibigay ng kaalaman sa amin. Nagbibigay din sila ng kasiyahan at kabuluhan sa buhay namin, sa pamamagitan ng opotunidad na makapagturo sa mga bata.

Kayo mga Ate and Kuya ang tunay na inspirasyon para sa amin. Kayo ang patuloy na nagsasabi sa aming huwag lang kaming mangarap para sa sarili namin, at tuparin din naming ang lahat ng mitihin naming para sa pamilya naming at ng mga taong matutulungan pa namin.
Picture
1 Comment

The ripple effect: Finding endless ways of helping from one experience

9/5/2018

1 Comment

 
Picture
By: Ken Pablo ​
“From zero, I created and chose to experience one way of helping. From that one, I’ll make it endless.”- Ken Pablo (a scholar of 2KK Tulong sa Kapwa Kapatid Foundation Inc.) ​

At first, I really couldn’t understand what people get from helping others. Is it fame or good image? Or rewards and other trivial things? All of these ideas didn’t ring a bell to me until I saw the reality. 

Picture
As a 2KK volunteer who teaches tutees every Saturday, I now understand the anger of our teachers in our elementary days. 

Kids are very unpredictable. They can be really chaotic so prepare the longest patience gauge you can have. But still, there's this single feeling that I can’t explain when I’m with them. 

Sometimes, they won’t listen and play around. It is really something that challenges my temper. However, despite all the things that they did, a single smile from them is enough to wipe off all negative emotions and instantly bring forth happiness. 

Picture
Every time I come home from volunteer activities, I still can’t understand what just happened. But for some reason, there's always this fufillment, an indescribable happiness that I would love to share with others. 

My dream is actually really simple, to conquer the world and become one with it. Through the spirit of helping others, I want the world to hear how we can be united—a dream that I will pursue by breaking any boundaries no matter what. From that one experience I had, I realized that I can create endless possibilities of reaching out to others.
1 Comment

    Archives

    October 2019
    October 2018
    September 2018
    August 2018
    July 2018
    March 2018
    February 2018
    January 2018
    October 2017
    January 2017
    July 2016
    May 2016

    RSS Feed

Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • About Us
    • Meet the Team
    • Who are our Beneficiaries
    • Annual Reports
  • Programs
    • Kapatid Program
    • YAPAK Program
  • GET INVOLVED
    • 2KK Sustainability Fund
    • Sponsor a Student
    • Be a Volunteer
    • Partner with Us
  • Press Room
    • Blogs
    • Gallery
    • Newsletter
    • Testimonials
    • Year End Greetings
  • Annual Report
  • Contact Us